Test Frontity Blog

WordPress installation for Frontity development

MAJA, GERALD magdyowa na, nag-date sa sosyal na resort sa albay

By banderablogs

on Mon Jan 07 2013

Wala talagang lihim na hindi nabubunyag ngayon dahil sa technology, bossing Ervin.

Nakitang magkasama sina Gerald Anderson at Maja Salvador sa Misibis Bay Hotel, Legazpi, Albay noong December na ipinadala nga sa isang talk show.

Actually, matagal nang naikuwento ito sa amin ng aming source pero hindi namin sineryoso.

Wala naman kasing nabalitang nanligaw si Gerald kay Maja, di ba?

At nang magkita at magkatsikahan kami uli noong nakaraang taon ay kaswal lang niyang nabanggit na isinasama na rin ni Gerald si Maja sa mga lakad nito at tila open na rin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Nagdalawang-isip kaming isulat ito kasi nga baka dahil kay Kim Chiu kaya naging close sina Maja at Gerald kasi nga ang balita namin ay si Ge pa rin ang type ni Kim kaya nga hindi pa rin nito sinasagot si Xian Lim.

At heto nga, may nagbalitang nakitang magkasama sina Gerald at Maja sa sosyal na resort sa Bikol.

Ang tanong sinabi na kaya ni Maja sa bestfriend niyang si Kim ang tunay na relasyon nila ni Gerald?