Test Frontity Blog

WordPress installation for Frontity development

KRIS umaasang magkakadyowa ngayong 2013

By banderablogs

on Mon Jan 07 2013

Hindi na  makatiis sa tunay na nararamdaman,  umamin na

Hindi na raw pala type ni Kris Aquino na sumali sa Metro Manila Film Festival.

Okay na kasi na natupad na niyang mag-number one ang movie niyang “Sisterakas”.

Noong 2010 ay nag-number three ang Dalaw at noong 2011 naman ay pumangalawa ang “Segunda Mano” sa box-office.

Nakakatuwang malaman din mula kay Kris mismo na hoping siya na magkaroon ng boyfriend this year.

“Wala pa, siguro soon? Optimistic in 2013,” was Kris’ reply to a query kung sino ang nagpapatib ok ng puso niya ngayon.

Naalala naman namin ang wish sa kanya ng kanyang friendship na si Ai Ai delas Alas na sana raw ay matagpuan na ng TV host-actress ang kanyang susunod na mapapangasawa dahil naniniwala pa rin daw ang Comedy Queen na masarap pa ring mabuhay kapag may katuwang na lalaki.

We also discovered na hindi pala uso ang exchange gift sa kanilang magkakapatid kaya wala pala silang gift nina P-Noy, Viel, Ballsy at Pinky.

Sa mga kids lang daw sila nagbibigay ng gifts.