Test Frontity Blog

WordPress installation for Frontity development

Kilalang aktres na mala-anghel ang ganda pumapatol din sa tibo

By dhilanga

on Wed Nov 21 2018


HABULIN ng mga kalalakihan at katibuan ang isang magandang female personality.

Hindi na siya bagets, nagkakaedad na siya, pero kung lakas ng karisma ang pag-uusapan ay marami siyang pakakainin ng alikabok.

Napakaganda naman kasi ng aktres na ito, hindi siya umaasa sa milagro ng make-up, mas wala siya nu’n ay mas lumulutang ang kanyang ganda.

Tanong ng mga magkakaumpukan isang gabi, bakit daw kaya nakikipagrelasyon ang magandang female personality sa tibo, ganu’n din daw kaya ang kanyang kasarian?

Kuwento ng isang source na madalas makatrabaho ng babaeng personalidad, “Hindi naman siya ‘yung tipong tibo lang ang kinakarelasyon, may mga nagiging boyfriend din naman siya, di ba? Kaya lang, liberated kasi siya, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, puso niya ang sinusunod niya!

“Kung saan siya happy, du’n siya, walang kahit sinong makapagdidikta sa kanya sa kung ano ang gusto niya,” simulang chika ng aming impormante.

Pero kung pagiging propesyonal ang pag-uusapan ay gustong makatrabaho ng kanyang mga kapwa artista ang magandang aktres anumang oras.

“Napaka-professional kasi niya, wala siyang kaartehan sa buhay. Kapag nabasa na niya ang script ng movie or serye na iniaalok sa kanya, ‘yun na ‘yun!

“Gagawin niya kung gusto niya at tatanggihan niya kung sa palagay niya, e, nakukulangan siya sa material. Wala siyang kaartehan sa katawan, basta tinanggap na niya ang trabaho, wala nang problema.

“Nu’ng minsan nga, e, pinag-compare sila ng isa pang female personality na ka-age niya, pareho lang silang maganda, pero magkalayo ang attitude nila.

“Maarte naman kasi ang isang ‘yun, marami siyang inirereklamo, marami rin siyang hinahanap at kinu-question. Kaya maraming naiinis sa girl na ‘yun! May pagkalukring siya!

“E, itong si ____ (pangalan ng magandang aktres), basta okey na sa kanya ang script, kahit ibitin mo pa siya sa livewire, e, gagawin talaga niya ‘yun nang walang kaartehan.

“Ang ganda niya talaga, para siyang anghel na kabababa lang sa lupa, kaya nahuhumaling sa kanya ang mga boys at nagpapaka-boys!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino ang mukhang anghel na aktres na ito, hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.