Test Frontity Blog

WordPress installation for Frontity development

Iwa Moto: Hindi ako nanganak sa Japan!

By bandera

on Tue Nov 22 2011

Isa-isa ngang nilinaw ni Iwa Moto ang mga isyung ibinabato sa kanya nang mag-guest siya sa Startalk noong Sabado. Ilang buwan ding nag-stay ang sexy actress sa Japan pagkatapos ng kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mickey Ablan.

Isa nga sa dinenay ni Iwa ay ang isyu ng pagpaparetoke at panganganak daw niya sa Japan, “Hindi po ako nagparetoke, ganun pa rin po, wala pa rin pong pinagbago sa pagmumukha ko. Buntis, ayan po, nandito po ako, hindi pa po ako nanganganak at hindi pa rin po ako buntis.”

Tinanong si Iwa kung bakti siya biglang bumalik sa Pilipinas, ang kanyang sagot, “Siyempre gusto ko nang magkatrabaho kasi ang tagal ko na ring hindi nagtrabaho, nakaka-miss yung mundong ginagalawan ko dati. At tsaka ang layo kaya ng Japan, nandito lahat ng mga taong mahal ko sa buhay.”

Tungkol naman kay Mickey Ablan, sa ngayon daw ay wala na silang communiction, ayaw na niya itong i-elaborate pa.