Test Frontity Blog

WordPress installation for Frontity development

Dating VIVA HOTBABE bold dancer na raw sa JAPAN?

By bandera

on Thu Apr 12 2012

Video scandal kalat na kalat na sa internet 

GRABE ha! Kalat na kalat atpinagpipiyestahan na ngayon sa internet ang sinasabing paghuhubo’t hubad daw ng isang female celebrity habang nagsasayaw sa isang club sa Japan.

Base sa napanood naming video, malaki ang pagkakahawig ng babaeng nagpe-perform sa isang stage sa dating Viva Hotbabe na si Gwen Garci.

Ipinakita sa nasabing video scandal ang pagsasayaw nang walang anumang saplot sa katawan ng babae habang nakikipaglandian sa mga lalaking nasa lugar.

Kaya ang tanong ng bayan, tuluyan na nga bang naging bold dancer ang former sexy actress sa iba’t ibang club sa Japan?

Si Gwen nga ba ang naba-blind item na kaya raw hindi na siya bumalik sa pag-aartista ay dahil kumikita na siya nang limpak-limpak sa Japan sa pamamagitan ng pagsasayaw nang hubo’t hubad?

Ayon sa nakausap naming source na malapit noon kay Gwen, totoong nagpe-perform si Gwen sa mga club sa Japan pero hindi naman daw ito pumapayag na mag-all the way.

At totoong maraming nagkakagustong Hapon at iba pang foreigner kay Gwen sa Japan, pero wala raw siyang alam kung pa-take home na rin ang dating sexy star.

Well, ang masasabi ko lang diyan, kanya-kanyang diskarte lang naman ‘yan sa buhay, kung masaya si Gwen Garci sa mga ginagawa niya sa Japan, gow!

Hindi naman natin maibibigay sa kanya ang kaligayahang nakukuha niya sa pagsasayaw sa Japan, di ba?

Tsaka, obvious ba na wala na siyang showbiz career dito sa Pilipinas?

Alangan namang magpakaburo siya rito sa kahihintay ng mga projects at raket, di ba?

So, might as well hanapin niya ang swerte niya sa ibang lugar! Keri?